ANONG IBIG SABIHIN NG “OO”
Homily on the Feast of the Annunciation
Napakalaking kapistahan ng buong simbahan ngayon. Sa araw na ito, maraming na-ordinahang pari; maraming nag-vow na madre; maraming nag-renew ng kanilang vows.Sa katunayan sa araw na ito ang lahat ng Daughters of Charity sa buong mundo ay magpapanibago ng kanilang sumpaan. Every year nagyayari ‘yon. Hindi lang renewal of vows. Vow day talaga nila every year. Pero, ngayon tahimik silang manunumpa sa kani-kanilang chapel na walang Misa. Iba sa kanila nikikisimba dito sa FB Live Mass. Congratulations sa aming mga kapatid na Daughters of Charity.Kung merong word of the day, ang salitang ito ay “Yes”. Yes, Lord, OK ako sa sinabi mo… Salamat na pinili mo ako. Sama ako sa ‘yo. Count me in! Sa ebanghelyo ngayon, ‘yon din ang sinabi ni Maria. “Yes, Lord. I am your handmaid. Hindi ko lubos maintindihan ang lahat sa ngayon. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari bukas. Pero susunod ako sa nais mo. Be it done unto me as you say.”
Ang pagiging ina ng Diyos ay maaring isang malaking karangalan para sa marami. Marami sigurong “excited” na baka siya na nga ang ina ng Mesiyas na kanilang hinihintay. At noong si Maria ang napili ng anghel, siguro sinabi nila: “Ikaw na, ‘te. Uwian na. May nanalo na!”Ngunit hindi naman talaga alam ni Maria ang buong ibig sabihin ng kanyang “Oo”. Hindi niya alam na kinabukasan agad, pinakiusapan siyang tulungan ang kanyang matandang pinsan na si Elizabeth sa kanyang pagpanganak.Hindi niya alam na medyo ibang klaseng bata ang kanilang anak at bigla na lang mawawala habang dumadalo sila sa pistahan. At noong nahanap nila sa templo, bigla na lang sinabi: “Do you not know that father wants me to be here?” Kung ibang Nanay ‘yon, matagal nang nalatigo ang batang ito.Hindi rin alam ni Maria na mas maunang mamatay si Joseph at alagaan niya si Jesus bilang "single mom". To be a single mom among the poor is seldom a free choice. One is forced into it. One is almost sure that it would be a life of hardship and pain.Hindi rin alam ni Maria na durugin ang kanyang puso ng makitang hinambalos ang kanyang anak sa kanyang harapan, pinatay at inakusahan ng paratang na hindi totoo. Naramdaman ito ng mga Nanay ng EJK sa ating panahon ngayon. At sa katapusan ay sabihing “nanlaban” kahit hindi naman. Gaano kaya kasakit para sa isang Nanay na hindi ma-protektahan ang kanyang anak sa pagmamalupit ng makapangyarihan? One could never imagine how deep this pain is.Ngunit dahil nasabi na ang kanyang “Oo”, she followed her son all the way to the cross. Parang sinabi niya sa kanyang sarili: “If this is what that first “Yes” means, then I will do it all the way.”Ganon din naman siguro ang lahat ng ating mga sinumpaan at pangako: bilang Kristiyano, bilang pari, madre o layko. Bilang Nanay o Tatay. Bilang mga mag-asawa. Bilang professional, doctor, teacher. engineer o nurse. Bilang tao.We have said yes to life, to our lifetime commitments, to a personal purpose. We do not really know what it meant at first. But we said yes. And to be truly human is to be true to that yes whatever that entails.May mga halimbawa tayo sa panahon ng COVID-19 crisis, mga taong tinupad ang kanilang “Oo”, pinangatawanan ang kanilang pangako. Sila ang mga bagong Maria sa ating panahon, mga bagong tagasunod kay Kristo hanggang sa dulo.
Una, si Guiseppe Birardelli, isang pari sa isang maliit na parokya ng Casnigo, 40 kilometers galing sa Milan. Positive siya sa corona virus sa kanyang pagtulong sa kanyang mga parokyano kaya siya’y na-hospital din. Binilhan siya ng respirator ng kanyang mga parokyano. Hindi niya sinuot. Sabi niya, matanda na siya, 72 years old. Kaya binigay niya sa isang mas batang pasyente na hindi man lang niya kakilala.Noong siya’y inordernahan, hindi man siguro niya inakala na ganito ang maging dulo ng kanyang buhay. Pero pinangatawanan niya ang kanyang “Oo” hanggang sa dulo.Ikalawa, si Dr. Greg Macasaet. Nag-volunteer silang mag-asawa sa Manila Doctors’ Hospital. Naging positive din silang dalawa. Nitong Lunes lang, pumanaw na rin si Dr. Macasaet. Pero bago siya namatay nag-text siya sa kanyang inaanak. This is what he wrote:“The turn of events is just no longer going in my favor. The feeling you get, aside from extreme pains all over, the difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body. They will be putting cutdown lines and central tubes on me anytime soon. If they intubate me and place me on a ventilator, then the game is almost over. If Ateng (referring to his wife) survives, then my wish for her and Raymond (his son who is with autism) for a long and happy life will bear fruition! Raymond, however, needs financial and emotional care for the rest of his life! Something I may no longer be able to fulfill! It is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!”
Hindi naman po lahat sila ay mga malalaking tao. Hindi naman kailangang lahat magpakamatay hanggang sa dulo.Ang ikatlo halimbawa ay mga simpleng mamamayan lamang tulad ng karamihan sa atin. Noong Sabado ay namigay kami ng food packs sa parokya naming Payatas. Limang kilong bigas lang naman. Inilista ng mga BEC leaders ang pinakamahirap at talagang nanangailangan. Noong matanggap ng isang Nanay ang kanyang limang kilo, sinabi niya doon sa lider:
“Tatanggapin ko ito pero ibibigay ko ito sa aming kapitbahay na mas hirap pa kaysa sa amin. May kapitbahay akong talagang walang-walang, wala talagang masaing.”
Ganon din ang hamon ng bawa’t isa sa atin. Pangatawan ang ating “Oo”. Bilang Kristiyano. Bilang tao. Sinabi sa ebanghelyo ni San Mateo: “Pakainin ang mga nagugutom. Painumin ang mga nauuhaw. Pagalingin ang mga maysakit…” (Matthew 25: 31-46).
Ngunit parang nahihirapan tayo ngayon dahil sa kautusang “Stay at home”. Tama nga naman ‘yon. Huwag na tayo magdagdag pa sa mga pasyente sa hospital. Pero paano na lang ang mga walang “home”, ang mga nakatira sa lansangan? Ang dami nila sa Maynila. Paano ang mga walang maibibili ng pagkain?Medyo nasa dilemma and marami sa atin dahil nga “stay at home.” If we do not heed it, we might be adding to the problem. But if we lock ourselves at home, the poor are also left out in the cold. Medyo mahirap desisyonan, di ba? Kaya to be safe, huwag na lang. Sabi nga ng ating Cabinet secretary: “In case of doubt, NO.” That is the easiest course of action, but is also a sign of “lazy thinking”.Minsan sinabi ni St. Vincent de Paul: “If you are at prayer in the chapel, and a poor person knocks at your door, you should ‘leave God for God’” (leave God in the chapel to attend to God in the poor at your doorsteps).But what to do in these times when the poor could no longer knock at our doors because we have locked our gates so well in fear of the virus? What if they could no longer knock because they were prevented by the authorities, locked in some obscure place with no provisions? To entrust them to LGUs and barangay captains as Duterte commands is either act of suicide or wishful thinking. What will two kilos and two sardines do? Moreover, upon our inquiries on the ground, they will not be given anything by the LGUs because they do not have their names on the list: homeless, faceless, nameless.So, do we leave them out to die while we secure our own health inside our sanitized homes? (I am not yet saying that some people in power secured their own health by being prioritized with the test kits that were supposed to be for the truly sick.)Maybe it is about time for us Christians – not just a handful of sisters or seminarians – to knock at their doors ourselves to see if they are still alive and well, to search for them, to know if they are sick or well, to see if they have something to eat or none at all, and to give them even if just some kilos of rice to get by. This is Christ's ultimate command, right? Not to leave anyone hungry or thirsty or sick.Ngunit dapat din tayong mag-ingat. Huwag din tayong magpapabaya. We have to take care of ourselves and others around us. We need to follow health protocols to prevent the further spread of the virus.Yet our fears should not paralyze us; it should not prevent us from doing what we promised to do from the start. This is the time when the poor needs to hear our resounding “yes”.Are we not afraid? Are we not anxious? Of course, we are. Mary felt the same. But the angel in the gospel also told her: “Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God.”We can only rely on God's promise.
Daniel Franklin E. Pilario, C.M.
St Vincent SchoolofTheology - Adamson University
danielfranklinpilario@yahoo.com
March 25, 2018